Add parallel Print Page Options

12 Maaari ninyong ihandog ang pampaalsa o pulot bilang handog mula sa una ninyong ani,[a] pero huwag ninyong susunugin sa altar. 13 Lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog ng pagpaparangal, dahil ang asin ay tanda ng inyong walang hanggang kasunduan sa Panginoon. Kaya lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog.

14 Kapag maghahandog kayo mula sa una ninyong ani para parangalan ang Panginoon, maghandog kayo ng mga giniling na butil[b] na binusa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:12 ani: o, bunga.
  2. 2:14 giniling na butil: sa Ingles, “milled grain.”